Papuri sa Diyos
Composer / setting: Lester Delgado
Arrangement: Lester Delgado
Language: Tagalog
Mass part: Gloria · Papuri sa Diyos
Seasons: Ordinary Time
Listen and practise
Lyrics
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama
Amen.